By Rev. Sonny T. San Pedro
Tulad ng karamihang dalaga, ang magkaroon ng magandang kasal at mapapangasawa ang isa sa pinakamalaking pangarap na kanilang minimithi. Yan ay alam ng mga magulang, kaya naman ang isang dalagang daga na handa ng ikasal ay sinuportahan ng todo ng kaniyang mga magulang, kaya nilang gumawa ng magarbo at makaranasang kasalan para sa dalagang daga ngunit kailangan nilang humanap ng pinakamabuting mapapangasawa.
Napagkasunduan ng mga magulang ng dalagang daga na ang haring araw ang nararapat sa kanilang mutyang anak, kaya agad nilang sinadya ang haring araw upang sabihin ang pakay, matapos nilang ilahad ang kanilang sadya, ito ang naging tugon ng haring araw, “tama ang inyong paniniwala na ako ay hari at ako ang nagmamay-ari ng kaliwanagan, subalit ako ay mayroon ding limitasyon” nagtaka ang mag-anak, nagulat sila sa pahayag ng araw, “kahit anong tindi ng liwanag na aking ibinibigay sa mundo, pagdumating na siya, nawawalang ako ng silbi, siya ay si Ulap, tinatanggap kong masmalakas siya kaysa sa akin…” Nang marinig ito ng mga magulang ng dalagang daga, ipinasya nilang si Ulap ang nararapat para sa kanilang anak. Kamahalang ulap, narinig namin si Haring araw na sumusuko sa inyong kapangyarihan, kaya kayo ang gusto naming mapangasawa ng aming anak” pahayag ng mga magulang, “tama ang sinabi ng Haring araw” tugon ng Ulap, subalit lingid sa kaniyang kaalaman, maykahinaan din ako, kahit na anong kapal ko, paghinihipan na ako ng Hangin, wala na akong magawa, dinadala niya ako kung saan niya ibig” sapat na ang pahayag na iyon para isipin ng mag –asawa na si Hangin ang para sa anak nila, kaya kinausap nila agad-agad ang hangin, subali malungkot na nagkuwento si hangin, tulad ng dalawang nauna, may kahinaan din siya. Marami na raw siyang naibuwal na puno, bubong ng bahay at mga post eng kuryente, subalit sinusukuan niya ng monumento ni Gat. Andres Bonifacio na nasa Caloocan.
Halos sumuko na ang mag-asawang daga, ngunit inaalala nila ang kanilang anak na minamahal, ayaw nilang mapunta ito sa kung kanino lamang. Kaya nagtiyaga pa sila, pinuntahan nila si Gat. Andres Bonifacio kahit halos bunmagsak na sila sa pagod dahil sa maghapong paglalakad. Gat. Andres Bonifacio, sa lahat ng aming naka-usap kayo po ang lumalabas na pinakamalakas sa lahat, kayo ang nais naming mapangasawa ng aming anak. Sapagkat si Araw ay talo ni Ulap, si Ulap ay daig naman ni Hangin samantalang di naman uubra si hangin sa inyo. “Tama ang inyong napatunayan, ngunit sa maniwala kayo at hindi, mayroon akong kinakatakutan…” “Ha ano po yun?” Mabilis na tanong ng mag-anak na daga. “sa ilalim ng aking pundasyon ay mayroong isang binatang daga na di tumitigil sa paghuhukay, nangangamba ako ng gayon na lamang sapagkat kung di siya hihinto, tiyak na ako ay babagsak din”
Nagmdaling umalis ang mag-anak na daga upang hanapin ang nagwagi, ang binatang daga at agad naman iton pumayag sa kanilang alok, ang kuwento ay nagsimula sa daga at natapos sa daga, problemang daga na nasolusyunan ng daga. Daga ang sagot sa pangangailangang daga.
Ang sabi sa isang patalastas ni Senadora Loren Legarda, tao daw ang dahilan n g pagkasira ng kalikasan, tao rin daw ang solusyon, yun ay sing totoo n gating kuwentong daga. May mgapangyayari sa mundo na isinisisi kung hindi sa Dios ay kay Satanas, kung lilimiing mabuti ay wala naming kinalaman ang dalawa, dahil karamihan sa nangyayari sa mundo ay pinapangyari ng tao at konsekuwensiya ng ginagawa ng tao.
Totoo ngang dapat ay lagging binabalikan ng tao ang kaniyang sarili para tanungin sa mga nangyayari kung ano ang kaniyang ginawa bakit may baha, may sirang kalikasan, may kahirapan at kaguluhan. Sa pagsusuma ng lahat, bumabagsak ito sa kasalanan ng tao. Nakakalimutan ng tao na tignan ang sarili, lagging palabas ang tingin, sa totoo lang, natuklas na at naunawaan ng tao ang labas ng mundo niya, subalit di niya natutuklasan ang loob ng kaniyang pagkatao, kaya lahat ng kalokohang nagaganap sa atin ay resulta ng kalokohan ng ibang loko, nakuh ayun nagkaloko-loko na talaga dahil sa mga loko, nakakaloko na nga talaga.
Kung mayroong una at huling sisihin sa nangyayari ay tao, dahil ipinagkatiwala sa ating ang mundo para pagyamanin at ingatan, subalit nilalapastangan ito ng tao. Mistula tayong mga daga na naghahanap ng sagot sa ating pangangailangan sa akala na natin ay masmalalakas sa atin, samantalang sa huli ay nasa atin nga pa la talaga ang sagot. Kawawang tao, lumalabas na pinakamahina sa lahat ng nilikha ng Dios dahil sirang-sira na ang kaniyang layunin sa buhay, ligaw na ligaw na sa totoong dahilan bakit siya narito sa lupa.
Malaki ang tungkulin ng simbahan at mga kinikilalang lider at pinuno ng ibat-ibang samahan, magturo tayo at magbigay ng halimbawang magpapalaya sa ating bilangguan ng pagkamakasarili at kamangmangan. Walang mahirap kung walang nagpapahirap,walang kawawa kung walang nangangawa, walang maabuso kung walang mang-aabuso. Kailangan lamang bukas ang isipan, ngunit alam niyo ba na ang isip ay parang parachute, may silbi lang ito kung nakabukas? Mabuti paying daga, katitiyaga na sumpungan na nila ang sagot sa problema nila,samantalang ang tao,di pa naayos yung dati may bago nanamang proproblemahin. Kawawang tao,masmahirap pa sa daga.










