Ayon sa pagtataya ng PAGASA, ang bumagsak na ulan noon September 26 ay huling naranasan 42 taong na ang nakakaraan. Ang nasabing ulan na bumuhos sa loob ng 9 oras lamang ay normal na ulan sa dapat sa loob ng isang buwan. Iniulat din sa Balitanghali ng QTV channel 11 na ito ay epekto ng climate change kung saang ang pangunahing dahilan ay ang polusyon na ginagawa ng mga tao.
Sa Provident Village sa Marikina kung saan ito ay malapit sa Marikina river, tumaas ang ilog ng halos isang post ng Meralco, kaya naman maging ang mga may kaya sa lipunan at ilang mga artista at politico ay naintindihan kung gaano kahirap ang bahain, sa katunayan ang mag-inang Jennica at Jean Garcia ay hindi pa handing humarap sa live interview dahil sa trauma nila sa delubyong dala ng bagyong Onyong. Mahigit 296 ang namatay ayon sa huling ulat, at tinatayang 4 na bilyong piso ang nasalanata. 7 araw na ang nakakaraan subalit hindi pa rin matugunan ang mga napinsala ng pinagsama-samang ahensiya ng pamahalaan at ng mga NGO’s at mga volunteers. Walang kalaban laban ang tao sa kalikasan, isa sa nakapagpabagal ng rescue operation ay ang kawalan ng mga rubber boat na kakailanganin.
Kung mayroon man ay ay maliliit ito kaya iilan lamang ang maisasakay. Ayon sa kuwento ng Biblia, nangyari na rin noon ang malaking pagbaha, pinasabihan ng Panginoong Dios ang mga tao sa dapat niang gawin subalit ayaw pankinggan ng mga tao ang propetang si Noah, pinagtatawanan siya, imposible daw ang sinasabi niyang malaking pagbaha na mangyayari kung saan nakaugnay sa kasamaan ng tao (Genesis 6:1-10). Dahil ang mga tao ay abala sa mga ingay na gusto nilang gawin, ang mga mensahe ng tahimik na kalikasan ay hindi nila naririnig ay namamasdan, sa katunayan maging sa ngayon ang ingay na ating naririnig ngayon ay ingay nalamang na likha ng tao. (Subukan mong pumikit at manahimik sandali, puro ingay na likha ng tao ang maririnig).
Ang kaibahan noon at ngayon, ang mga nilalang ng Dios na inosente sa pinsalang ginagawa ng tao ay sinagip, ito ay ang pagsasakay ng mga tig-iisang pares ng hayop sa malaking Bangka ng kaligtasan.
Napakarami na ring babala ang ibininigay ngayon, subalit sa sobrang ingay at abal ng tao, hindi siya nakapaghahanda, sa halip patuloy niyang dinadagadagan ang mga dahilan ng pagbabago ng panahon na magdudulot ng pinsala sa lahat, sapagkat ang mundong maykaramdaman ngayon na mas kilala sa tawag na Climate Change O Global Warming ay sakit at kamatayan nating lahat na nasa ibabaw ng lupa. Sa aking tingin napaka gulang ng tao, sakit talaga siya ng ulo ng Dios sa simula pa lang.
Sa tatlong araw kong pakikinig, pagbabasa at panonood ng mga balita, paulit-ulit na ineere, ikinukuwento ang madrama at nakakaiyak na karanasan ng mga tao, ayos lang naman yun pero mas nag-aalala ako sa mga magging kuwento ng mga susunod na henerasyon, kung halos isang poste ang naging baha sa Provident Village noong September 26, gaano kaya kataas sa mga susunod kung ang mga batang walang kamalay-malay ngayon ay magkamalay na balang araw?
Lilipat na raw ng bahay si Kristine Reyes matapos ang baha, paglipas kaya ng another 31 years hindi kaya abutin uli ang bahay na lilipatan niya, sapagkat ang huling malaking baha sa lugar nila ayon sa nanay niya ay nangyari pa noong 1978, kung saan mas maliit kaysa huli. Ang bundok ay napapatag, at ang mababang lugar ay tinatambakan, kaya darating ang araw na magiging halos pantay ang lahat, at kung babaha, wala na tayong malilikasang mataas na lugar.
Naghahanap ako ng mga tao at mga programang magsasalita at mag-uusap sa mga dahilan ng mga kalamidad na kagaya ng Bagyaong Ondoy, wala akong Makita at naririnig, walag kadala-dala ang tao. Hindi man lamang natin naisumpa ang mga taong pumutol ng mga puno sa kabundukan, ang mga negosyante at politikong nagconvert ng mga bundok para gawing subdivision, mga tanimang ginawang bahayan, mga creek na pinaliit dahil sa mga subdivision, mga dam na inimbento na kung mapupuno ay nagdudulot ng panganib at baha. Ang mga development na ito ay higit na nagdulot ng pagkalugi sa mga nakararaming mamamayan kaysa pakinabang na nakukuha.
Noong September 18 ay idinaos ang assembly ng Philippines Association of Christian Educators and Theologian sa Church of the New Covenant United Methodist Church sa San Fernando Pampanga, ang samahang nabanggit ay ecumenical naging panauhin sa nasabing assembly si Gov. Among Ed Panlilio bilang Keynote address speaker, ang assembly ay may temang “Greening the Church” kung saan hinihikayat at itinataas ang kamulatan at pakikisangkot ang mga taong simbahan sa pangangalaga ng kalikasan, sapagkat ito ay sa Dios at hindi kung kanino.
Tinalakay dito ang kapangyarihan, gamit, pinsala, pakinabang, panganib ng apoy, lupa, hangin at tubig sa pangunguna nina Engr. Cromwell Refuerzo, Teacher Fe Duldulao at Rev. George Buenaventura. Malinaw sa katapusan ng pagtitipon ang hamon para ang mundo ay mahalin, hindi na rin maaaring balewalain ang pagkakasira ng kalupaan, katubigan at hangin, sa halip na ang mga ito ay ikabuhay lamang, atin na nga natin itong ikinamamatay.
Kailanagang tumigil ang tao sa kaniyang kahibangan, hindi niya dapat ituring na kaaway ang kalikasan, ito ay kaniyang tahanan at buhay. Kung bakit nangyayari ang mga bagay na ito ay sapagkat pinangungunahan tayo ng mga bagong demonyo ngayon na nagnanakaw at nangwawasak ng buhay dahil sa pagkamkam at pasira sa kalikasan, hindi rin naman tayo puro sisi lang kasi bahagi tayo ng pagsira sa mundong ito.
Sa nagdaang baha at bagyo, nalubog lahat ang gamit naming inipon sa matagal na panahon, galing sa maliit na suweldo, ang aking second hand na washing machine, t.v. at refrigerator ay lumobog sa tubig at putik, masakit na ang buo kong katawan sa pag-sisikap na ibalik ang dati subalit sadyang napakahirap, inaabutan na lamang kami ng pagkain at tubig ng mga kapit bahay at nakikituloy at nakikikain sa iba, mapalad pa rin kami kumapara sa iba. Walang kinalaman ang Dios ditto, sa halip may kinalaman anag ating relasyon sa Dios, kung mataas ang ating respeto sa Dios na ito, hindi natin sisirain ang kaniyang nilikha.
Hindi tayo magtatapon ng basura sa ilog, hindi natin kakalbuhin ang kagubatan, hindi tayo magsusunog ng mga gasolina at krudo kung hindi naman talaga kailangan, hindi tayo gagamit ng plastic at masasaktan tayo kung may nasisirang bahagi ng kalikasan, sa tingin ko sobra na ang kasamaan ng tao, kaya tayo ay hinahayaang magunaw ng Dios, pero sana matuto tayong bumalik sa kaniya sa pamamagitan ng pagiging responsableng katiwala. Hindi na kalinagan ang Bangka ni Noah kung makikinig na tayo sa mga mensahe ng kalikasan, para sabihin sa ating, “tama na” hindi natin kaya ang kaniyang paghihimagsik.










